^

Metro

2 bebot nag-duelo: 1 dedo, 1 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalaga makaraang makipagbuno at makipagsaksakan sa kapitbahay niyang babae sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center dahil sa tinamong saksak sa dibdib ang 39-anyos na biktimang si Cherry Barioquinto, ng A. Del Mundo Street, Brgy. 51, ng naturang lungsod.

Isinugod rin sa naturang pagamutan nang masaksak rin sa sikmura ang ka-duelo nitong si Marie Dullano, 27, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, unang nagtalo umano sina Dullano at kapatid ng nasawi  na si Danica sa tapat ng bahay nito dakong alas- 9 ng umaga ukol sa matagal na nilang away.

Sumaklolo naman si Barioquinto sa kapatid hanggang sa makipagpambuno sa suspect na si Dullano. Nagbunot naman ng patalim ang suspek at nasaksak ang biktima habang nagawa ring matarakan si Dullano sa kanilang pambubuno.

Nag-umpisa umano ang away ng dalawang pamilya nang tumestigo ang ilang kaanak ni Dulla­no sa kaso sa korte ng ba­yaw ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARIOQUINTO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CHERRY BARIOQUINTO

DANICA

DEL MUNDO STREET

DULLANO

MARIE DULLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with