^

Metro

Obrero sinilaban sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang construction worker ang nasa kritikal na kon­disyon matapos na buhusan ng gasolina saka silaban nang  buhay ng hindi pa matukoy na salarin sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Brgy. Tatalon sa lungsod, ang biktima ay nakilalang si Carlos Nuevo, 45, biyudo, ng Kaliraya ng nasabing barangay.

Ang biktima ay inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) dahil sa pagkalapnos sa kanyang buong katawan, maliban sa mukha at ulo.

Sa report ng barangay, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng G. Araneta Avenue, alas- 5:20 ng madaling araw.

Diumano, nakita na lamang ng ilang residente ang biktima na nagliliyab habang nakatayo sa nasabing lugar.

Agad na nirespondehan ang biktima ng mga barangay tanod saka tumawag ng tulong mula sa MMDA rescue team at isinugod ang biktima sa naturang ospital.

Samantala, ayon sa kapatid ng biktima na si Benedicto Nuevo, nagta-trabaho bilang steelman sa University of Santo Tomas ang kapatid at wala naman anya itong nababanggit na kaaway para gawan ito ng ganitong uri ng pananakit.

ACIRC

ANG

ARANETA AVENUE

BENEDICTO NUEVO

BIKTIMA

BRGY

CARLOS NUEVO

DIUMANO

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with