^

Metro

Prototype na tren ng MRT, ina-assemble na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ang pag-aasembol ng prototype train ng Metro Rail Transit (MRT). Dakong alas-9:00 ng umaga nang simulan ang pagbuo sa mga bahagi ng tren, na inobserbahan ng mga opisyal ng MRT-3 at ng Department of Transportation and Communications (DOTC), maging ng mga miyembro ng media.

Matapos ito ay isasailalim sa mga pagsusuri ang prototype tren bago ito tuluyang payagang mag-operate. Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, ang nasabing mga tren ay gawa ng Dalian Locomotive, at gumagamit ng traction motors.

Sinabi ni Sec. Abaya, ang mga nasabing tren ay siyang solusyon sa madalas na problemang nararanasan sa MRT-3 hinggil sa palagiang pagkakaroon ng aberya sa biyahe.

Sa ngayon, aniya ay unti-unti ng dumarating sa bansa ang mga biniling 48 brand new trains sa bansang China.

ABAYA

ANG

AYON

DAKONG

DALIAN LOCOMOTIVE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOSEPH EMILIO ABAYA

MATAPOS

METRO RAIL TRANSIT

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with