^

Metro

Hindi gumamit ng footbridge ginang lasog sa truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang ginang makaraang mabundol ng isang rumaragasang trak nang tangkain nito na tumawid sa EDSA sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit idineklara na ng mga manggagamot na wala nang buhay ang 31-anyos na si Vanessa Salundaguit, residente ng Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Nadakip naman matapos ang habulin ang suspek na si Danilo Alvarado, 33, binata, tsuper ng Isuzu NKR truck (AAY 5690) at residente ng Malhacan, Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat, tumatawid ang biktima sa EDSA malapit sa kanto ng F. Aguilar Street dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mabundol ng naturang trak na patungong Monumento.

Tinakasan naman ng suspek ang biktima nang paharurutin pa ang trak ngunit hinabol ito ng barangay tanod na si Primo Bonunza lulan ng tricycle.

Nagawang maaresto ang suspek sa may MacArthur Highway sa Brgy. Potrero, Malabon City nang makahingi ng tulong si Bonunza sa mga elemento ng Malabon City Police na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’.

Nanawagan naman si Caloocan City Police Chief, Senior Supt. Bartolome Bustamante sa publiko na gamitin ang footbridge sa pagtawid sa halip na ipagsapalaran ang buhay sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan sa EDSA.

AGUILAR STREET

ANG

BAGONG BARRIO

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN CITY POLICE CHIEF

DANILO ALVARADO

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

OPLAN SITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with