^

Metro

Ginang itinumba, itinapon sa tumpok ng basura

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang ginang malapit sa tumpok ng basura na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Marletta Quianzo, 38, residente ng P. Concepción St., Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga nang ma­tagpuan ang bangkay ni Quianzo sa gilid ng kalsada sa kanto ng Roque at MH Del Pilar Street, sa naturang barangay.

Natagpuan ng pulisya ang tatlong maliit na plastic sachet na naglalaman ng shabu sa iba­baw ng bangkay nito  malapit sa ulo.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima nitong nakaraang Linggo nang magpaalam sa kapatid na si Margie na bibisita sa anak na si Margarita at apo. Hindi na nakarating sa bahay ng anak ang biktimang ginang hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay.

Sa rekord, nasangkot si  Qui­anzo sa pamamaslang sa live-in partner nito na si Rolando Lunday nitong nakaraang Agosto 11. Huling na­rinig na nagtatalo ang dalawa sa inuupahang kuwarto hanggang sa umalis ang babae at kinalauna’y natagpuang patay ang lalaki dahil sa tama ng bala.

Naimbitahan si Quianzo ng mga imbestigador ngunit itinanggi na may kinalaman siya sa pagkasawi ng kinaka­sama.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

ATILDE

BANGKAY

BRGY

DEL PILAR STREET

MALABON CITY

MARLETTA QUIANZO

QUIANZO

ROLANDO LUNDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with