^

Metro

Driver pisak sa minamanehong trak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang tsuper makaraang mabagsakan at maipit ng minamaneho niyang truck na tumagilid matapos na masira ang makina, kamaka-lawa ng madaling araw sa Valenzuela City.

Namatay din habang isinusugod sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Joseph Castillo, 30, residente ng Sta. Lucia Village Phase 4 Punturin, Valenzuela City.

Batay sa ulat, minamaneho ni Castillo ang Isuzu Elf truck (XGF 677) na pag-aari ng Easton Enterprises palabas ng compound ng Phil Asia Plastic Company sa may No. 99 Malinis St., Bgy. Lawang Bato, nang biglang mamatay ang makina nito at bumulusok pababa ang sasakyan. Sa pagkataranta, tumalon ng trak ang biktima ngunit biglang tumagilid ang sasakyan at mabagsakan pa si Castillo at maipit.

Agad namang humingi ng saklolo ang mga tauhan ng kompanya sa Valenzuela City Rescue Team ngunit natagalan bago matanggal sa pagkakaipit ang biktima.  Ayon kay Dr. Allan Pagunsan ng VCMC, matinding pinsala sa ulo ang ikinasawi ng biktima.

vuukle comment

ANG

DR. ALLAN PAGUNSAN

EASTON ENTERPRISES

ISUZU ELF

JOSEPH CASTILLO

LAWANG BATO

LUCIA VILLAGE PHASE

MALINIS ST.

PHIL ASIA PLASTIC COMPANY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with