Probe sa pamamaril sa coffee shop task force tugis malabo pa
MANILA, Philippines – Hindi pa itataas sa Task Force Usig ng Philippine National Police ang insidente ng pamamaril sa “Ka Tunyings Café” sa Visayas Avenue, Quezon City.
Ito, ayon kay Quezon City Police District Information head P/Chief Insp. Jeffrey Bilaro, ay dahil hindi pa matiyak kung ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa coffee shop.
Hindi naman anya inaalis ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa propesyon at negosyo ng may-ari ng coffee shop na si Anthony Taverna ng ABS-CBN ang ugat ng krimen.
Sa kasalukuyan, ang QCPD muna ang hahawak sa kaso kung saan kadalasan na pumapasok sa TFU ang isang krimen kapag ang motibo sa pagpaslang o pananakit sa mamamahayag ay dahil sa kanyang mga batikos, komentaryo o pagbubunyag.
Ang TFU ay binuo ng PNP noong 2006 upang mag-imbestiga at resolbahin ang media killings at iba pang pang-aapi sa mga mamamahayag sa bansa.
- Latest