^

Metro

Kelot nambato ng bahay, utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 51-anyos na construction worker nang saksakin nang nakaalitang ka­inuman na nairita dahil sa pam­babato sa kanilang bahay  na tumama sa ina ng huli sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ni PO3 Roel Santiago ng Manila Police Dis­­trict-Homicide Section, bina­wian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Me­dical Center (GABMMC) ang bik­timang si Miguel Picardal, cons­truction worker sanhi sa tinamong saksak sa katawan.

Sugatan din at nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isa pang biktimang na­damay lang na si Joel Mene­ses, 21, helper.

Pinaghahanap na ang sus­pek na kinilalang si Victor “Vic” Cabacang, 27, binata at residente ng Block 1 Dubai St., Baseco. Dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente.

Una umanong nag-iinuman pa ang grupo ng suspek at mga biktima nang mauwi ito sa mainitang pagtatalo Nagpasiya ang suspek na umuwi na lamang ng bahay upang  makaiwas su­­balit sinundan siya ng mga bik­tima hanggang pagbaba­tuhin ng huli ang bahay ng una dahilan upang tamaan sa ulo ang nanay ng suspek na si Gng. Clarita Cabacang.

Nang makita ng suspek ang sinapit ng ina ay nag-init umano ang ulo nito at kumuha ng patalim. Hinabol nito ang biktima at nang makorner ay sinaksak sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Nang subukan itong awatin ni Meneses ay binalingan naman siya ng saksak sa panga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BASECO COMPOUND

CLARITA CABACANG

DUBAI ST.

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL ME

HOMICIDE SECTION

JOEL MENE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DIS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with