^

Metro

2 manyakis kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking lasing nang maaktuhang pinipilit na makatalik ang isang tindera na napahiga sa garahe at nagka­sira-sira ang damit sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Rehas na ang hinihimas ng mga suspek na kinilalang sina Hernan Natago, 28, construction worker, ng Phase 5, B-2, Lot 9,  Bagong  Silang, Caloocan City at Elpidio Vinarao, 39, personal driver, ng Area 5 Gate 16,  Parola Compound, Tondo, Maynila dahil sa pormal na reklamong inihain ng biktimang si Imelda, 22, tindera ng Oriental Garage sa no. 820 Buenviaje St., Quiapo, Maynila.

Sa turn-over report ng mga barangay tanod sa Manila Police District-Women and Children Protection Desk, nakasaad na dakong alas-8:30 ng gabi, kamakalawa nang bitbitin ang mga suspek sa loob ng garahe kung saan nag-inuman ang mga ito.

Nabatid na inutusan ng kaniyang amo ang tindera na kunin ang mga basyo ng alak na pinag-inuman ng dalawa. Sa pag­pasok sa garahe ng biktima ay hinawakan siya sa kamay at pinipilit na mag-usap sila ni Natago at Vinarao na kaniyang tinanggihan su­balit itinulak umano siya ni Natago at sapilitang pinaghahalikan kasabay ng pagpasok umano ng kamay nito sa loob ng kaniyang shorts.

Dahil sa pwersahan ang ginagawa ni Natago ay pilit umano siyang umiiwas hanggang sa magkasira-sira ang kanyang damit at ma­pahiga na sa garahe, na akto namang sumunod ang amo at nakita ang pangyayari kaya agad tumawag ng saklolo sa kani­lang  barangay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUENVIAJE ST.

CALOOCAN CITY

ELPIDIO VINARAO

HERNAN NATAGO

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

MAYNILA

NATAGO

ORIENTAL GARAGE

PAROLA COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with