^

Metro

Pagtulong sa mga ospital tiniyak ng FFCCCI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila 3rd Dis­trict Councilor Bernardito Ang na tuluy-tuloy ang gagawing pagtulong ng Fe-deration of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI) sa mga ospital sa  lungsod ng Maynila.

Ang paniniyak ay kasabay ng pagkakaloob ng grupo ng 40 bagong X-ray machines sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Binondo Maynila kamakalawa.

Nagkakahalaga ng P20.7 milyon ang naturang donasyon mula sa pribadong sektor.

Ayon kay Ang, kailangan ng makabagong kagamitan sa mga ospital upang maserbsiyuhan ang mga Manilenyo at hindi na gumastos pa ng mahal sa pagpapagamot.

Paliwanag ni Ang, mara­ming kagamitan sa mga os­pital ang obsolete na o so­brang luma kung kaya’t hindi nagiging maayos ang medical examination sa mga pasyente.

Sa katunayan, ang lahat namang mga organisasyon at lungsod at nababahagian ng tulong ng FFCCCI alinsunod na lamang sa kanilang mga pangangailangan.

Sinabi  ni  Dr. Merle Sac-dalan, director ng JJASGH, malaking tulong sa kanila ang makabagong kagamitan  lalo pa’t marami ang kailangan na maisailalim sa X-Ray araw-araw.

Ginagawa din nila ang lahat ng paraan upang maserbisyuhan ng maayos at madali ang mga pasyente.

ACIRC

ANG

AYON

BINONDO MAYNILA

COUNCILOR BERNARDITO ANG

DR. MERLE SAC

FILIPINO CHINESE CHAMBERS OF COMMERCE AND INDUSTRY

GINAGAWA

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MANILENYO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with