Inang nanakit ng sanggol hawak na ng PCSWD
MANILA, Philippines – Nasa custody ng Pasay City Social Welfare Department (PCSWD) ang ina, na nakita sa video na sinasaktan nito ang kanyang bagong silang na sanggol sa isang ospital sa Pasay City.
Ayon kay Rosalinda Orobia, hepe ng Pasay City SWD, nasa custody na nila ang ginang at iniimbestigahan na rin nila ang insi-dente matapos maging viral sa social media ang video hinggil sa pananakit nito. Pansamantalang hindi pina-ngalanan ang ina.
Nabatid kay Orobia, ang naturang ginang ay kanilang isasailalim sa psychological evaluation at sa oras na napatunayan na may diperensiya ito sa pag-iisip ay kanila itong iti-turn-over sa National Center for Mental Health (NCMH).
Sinabi ng naturang opis-yal, na noong Agosto 18 (Martes) ng umaga nang isilang ng ina ang sanggol.
Kinabukasan ay nakita ito sa video na kung saan pinagsasampal nito ang bagong silang na anak habang sila ay naka-confine sa Pasay City General Hospital (PCGH).
Hindi pa rin binanggit kung ano ang kasarian ng sanggol at ayon kay Orobia, ibibigay nila ito sa pamilya ng ginang at kung wala namang kumuha ay kanila itong dadalhin sa Children Reception Center ng DSWD sa Quezon City.
- Latest