^

Metro

Anti-dengue drive sa Quezon City pinalakas ng DOH, public schools

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Higit pang pinalakas ng Quezon City government ang kanilang kampanya para malabanan ang pagkalat ng sakit na dengue sa lunsod.

Ito ay makaraang makipagkasundo ang QC health department sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ang mga QC public schools para sa pagpapalaganap ng kampanya kontra dengue.

Kaugnay nito, pinamunuan nina QC Mayor Herbert Bautista at QC Vice Mayor Joy Belmonte  ang paglulunsad sa Esteban Abada Elementary School ng  Dengue Mission Buzz 2015 na revival ng 4 o’clock habit sa pag-iwas sa dengue mosquitos na karaniwang lumilitaw tuwing alas 4 ng hapon  at dumadami mula buwan ng Hulyo at Agosto.

Ang  Dengue Mission Buzz 2015 na may temang  “Linisin ang Kapaligiran, Dengue ay Maiwasan,”   ay kinatampukan ng parada at dance competition sa pagitan ng mga mag-aaral sa mga  public schools sa QC tulad ng Sto. Cristo Elementary School, San Francisco Elementary High School, Bagong Silangan Elementary School, Batasan Hills National High School, Quirino Elementary School, Quirino High School, Diosdado Macapagal Elementary School, Don A. Roces High School, Kaligayahan Elementary School, San Bartolome High School, Bonifacio Memorial Elementary School, Culiat High School at host Esteban Abada Elementary School.

Sa kasalukuyan, may 1,958 dengue hemorrhagic cases na naitala ang QC  mula January 1 hanggang  August 8 ng taong ito.

Ang Bgy. Holy Spirit, Batasan Hills, Fairview, Commonwealth at Greater Lagro ang naitalang may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue sa QC.

ANG

ANG BGY

BAGONG SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL

BATASAN HILLS

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

DENGUE

DENGUE MISSION BUZZ

ELEMENTARY

ESTEBAN ABADA ELEMENTARY SCHOOL

NBSP

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with