^

Metro

3 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkabuhol-buhol ang da­loy nang trapiko matapos magkarambola ang tatlong sasakyan na ikinasugat ng tatlong katao, kahapon ng hapon sa Pasay City.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Aquilina Galapon, 63;  pamanking  si Romela at ang taxi  driver na  Florencio Recimo.

Sa report ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa kahabaan ng EDSA Avenue, bago mag-flyover ng Aurora, Tramo ng naturang lungsod.

Ayon kay Recimo, driver ng Reign Audrey taxi (AEA-6166), pasahero niya ang magtiyahin at habang binabagtas nila ang naturang lugar nang bigla­ silang sinalpok ng isang Toyota Hi-Ace Van (XBB-195) na mina­­maneho naman ni Lysan­der Fulgeras.

Dahil sa malakas na impact  ay bumangga naman ang taxi sa isang paparating na motorsiklo na walang plaka na minamaneho naman ni John Aaron Danceco, na masuwerteng hindi naman nasaktan sa kabila na  nawasak ang motorsiklo nito.

Dahil sa insidente ay nag­kabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AQUILINA GALAPON

AYON

DAHIL

FLORENCIO RECIMO

JOHN AARON DANCECO

PASAY CITY

PASAY CITY TRAFFIC BUREAU

REIGN AUDREY

TOYOTA HI-ACE VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with