^

Metro

Blood letting project ni Joy B, umarangkada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa isang libong katao ang nakiisa sa voluntary blood donation – blood letting project ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte noong buwan ng Hulyo sa kalahati ng buwan ng Agosto ngayong taon.

Ang naturang proyekto na nasa ilalim ng ‘Joy of Public Service’ ay sinimulang gawin noong nakaraang buwan at magpapa­tuloy hanggang sa mga susunod na buwan upang mapaglaanan ng kailangang dugo ang mga taga-lungsod na may mga karam­daman na  nangangailangan nito.

Nagmula  sa ibat-ibang distrito sa QC ang nakiisa  sa pakikipag-tulungan ng Philippine Blood Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center at mga barangay officials sa lungsod.

Sa ilalim ng proyekto, ang 70 percent ng nakolektang dugo ay laan sa naturang mga pagamutan at ang 30 percent ay laan sa tanggapan ni Belmonte para maipagkaloob naman sa mga taga-QC na direktang nagre-request ng suplay ng dugo sa tanggapan nito.

Una nang inikutan ng mga tauhan ni Belmonte ang mga ba­rangay sa buong QC para boluntaryong makapag-ambag ng ka­nilang dugo para sa mga kapuspalad na nangangailangan.

Umaasa pa si Belmonte na marami ang tutugon at makikiisa sa kanilang proyekto na makakatulong lalu na sa mga biglaang pangangailangan.

ACIRC

AGOSTO

ANG

BELMONTE

HULYO

JOY OF PUBLIC SERVICE

LUNG CENTER

MGA

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

PHILIPPINE BLOOD CENTER

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with