^

Metro

2 timbog sa shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi inakala ng dalawang lalaki na ang  kawalan nila ng  helmet ang  magiging dahilan ng kanilang pagkakakulong sa Maynila.

Ayon kay  Chief Insp. Rommel Anicete, hepe ng  MPD-Plaza Miranda (PCP) ang mga suspek na sina Frederrick Tanega, 20 at Gilbert Sosoban,18 ay pinara ng Oplan Sita  sa panulukan ng  Carriedo St. at Rizal Ave. dakong alas  5:30 ng  hapon kamakalawa dahil na rin sa walang mga suot na helmet at drivers license.

Agad na dinala ang dala­wa sa  Plaza Miranda PCP kung saan naging kaduda-duda ang  kilos ng mga ito.

Inatasan nina PO3 Joseph Almayda at PO2 Joseph Ryan Talaguit sina Tanega at Sosoban na ilabas ang  lahat ng nasa kanilang  mga bulsa.

Dito na tumambad ang  tig isang sachet ng shabu  kaya’t agad na kinostodiya ang dalawa habang isinailalim sa laboratory examination sa nakuhang droga.

Sinampahan ng paglabag sa Section 11( illegal Possession of Dangerous Drugs at RA 4136 (Not Wea­ring Safety Helmet) sina Tanega at Sosoban.

ACIRC

ANG

CARRIEDO ST.

CHIEF INSP

FREDERRICK TANEGA

GILBERT SOSOBAN

JOSEPH ALMAYDA

JOSEPH RYAN TALAGUIT

NBSP

NOT WEA

PLAZA MIRANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with