^

Metro

Bahagi ng prototype na tren ng MRT-3, dumating na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniulat kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na dumating na sa bansa ang mga bahagi ng prototype na tren na gagamitin sa pagpapabuti ng serbisyo sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, nasunod ang kanilang plano at usapan na ide-deliber ng Dalian Locomotive and Rolling Stock Group ng bansang China ang mga nasabing bagon ng MRT-3.

Ang mga biniling bagong tren na prototype ay idadaan at isa­sampa muna sa LRT-1 sa Baclaran patungo sa Roosevelt Avenue saka ililipat sa Depo ng MRT-3 sa North Avenue, Quezon City.

Sinabi ni Abaya na isa­sailalim muna sa ma­susing pagsusuri ang mga inangkat na tren pero hindi muna gaga­mitin kapag hindi pumasa sa kanilang validation.

Kung papasa naman sa pagsusuri ay idedeliber nang lahat ang 48 bagon na inaasahang magbibigay ng magandang serbisyo sa halos kalahating milyong pasahero araw-araw ng MRT-3.

Naniniwala si Abaya na maiiwasan na ang pagtirik ng mga tren sa oras na nagagamit na ang mga ito.

Madali umanong imantine ang mga nabanggit na bagon na siyang tanging solusyon sa halos araw-araw na nagaganap na aberya sa MRT-3.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA na nagsisimula sa North Avenue, Quezon City patungo ng Pasay City at vice versa.

vuukle comment

ABAYA

ACIRC

ANG

DALIAN LOCOMOTIVE AND ROLLING STOCK GROUP

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

MGA

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with