^

Metro

10 tiklo sa drug bust: P1.5-M-shabu nasamsam

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sampung katao na hinihinalang sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga ang nalambat ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Group (QCPD-AISOTG) sa magkakahiwalay na buy-bust ope­rations sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Superintendent Edgardo Gonzales Tinio, ang mga suspect na sina Jamel Ismael, 29; Romnick Riga, 22; Mujib Abdulhamid, 21; Susan Gamboa, 42; Adelfa Valmocina, 48; Maria Anna Gonzales, 38; Wenceslao Retanal, 54; Vitaliano Ritardo, 48; Dante Colina, 38; at Jay Anthony Narra, 26; pawang mga residente sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Tinio, ang mga suspect ay nadakip ng mga operatiba ng DAID-SOTG sa pangunguna ng bagong hepe nitong si P/Chief Insp. Enrico Figueroa matapos makumpirma ang malawakang operasyon ng iligal na droga sa dalawang barangay, ang Brgys. Sta Teresita at Holy Spirit sa lungsod.

Sabi ng opisyal, unang nadakip sina Ismael, Riga, at Abdulhamid, matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Kanlaon St., malapit sa kanto ng Quezon ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Nasamsam sa tatlo ang limang piraso ng plastic bags na naglalaman ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, gayundin ang marked money.

Samantala, ganap na alas- 6:30 ng umaga naman nang maaresto ang natitirang pito pang suspect sa ginawang anti-drug operation ng DAIDSOTG sa isang bahay na ginagawang drug den, partikular sa no. 128 Area 3, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Sabi ni Tinio, isinagawa ang pagsalakay sa nasabing bahay matapos na makatanggap sila ng impormasyon buhat­ sa isang concerned citizen hinggil sa iligal na akti­bidad na nagaganap dito.

ACIRC

ADELFA VALMOCINA

ANG

BRGY

CHIEF INSP

DANTE COLINA

DIRECTOR POLICE CHIEF SUPERINTENDENT EDGARDO GONZALES TINIO

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

ENRICO FIGUEROA

HOLY SPIRIT

JAMEL ISMAEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with