^

Metro

‘Adopt-a-Footbridge Program’, isinulong ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘Adopt-A-Footbridge Program’ upang pagandahin at gawing moderno at mas ligtas ang pagtawid sa mga footbridges sa Metro Manila.

Katuwang ang pribadong sektor, pinasinayaan kahapon ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang Techno Hub footbridge sa Commonwealth Avenue, bilang simula ng partnership sa pribadong sektor para sa naturang proyekto.

Sinabi ni Tolentino na hindi na ligtas tawiran ang ilang footbridges dahil bukod sa mga illegal vendors, maraming nakatambay dito na snatcher at holdaper. Sa pamamagitan ani­ya ng proyekto, ligtas at mapapaganda na ito dahil mayroong nakatutok na guwardya na 24/7 ang magi­ging duty nito, bukod pa sa CCTV na naka-link sa MMDA Metrobase.

Lalagyan na rin ng bubong at comfort room ang nabanggit na mga footbridge.

Inaasahan pa umano ang pagpapasinaya na marami pang footbridges para ma­ging bahagi na rin ng naturang proyekto.

ACIRC

ADOPT-A-FOOTBRIDGE PROGRAM

ANG

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMONWEALTH AVENUE

INAASAHAN

ISINULONG

KATUWANG

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TECHNO HUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with