^

Metro

‘Dugo-Dugo gang’ muling sumalakay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ilang ulit na paalala ng mga awtoridad  laban sa ‘Dugo Dugo gang’, muli na namang nakapambiktima ang mga ito ng isang public prosecutor kung saan natangay ang mga alahas nito na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 5, nakilala ang biktima na si Rayman Rafael, 40, ng Block 3, Lot 5, Palma St., East Fair­view sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Edilberto Geminario, may-hawak ng kaso, natangay ng mga suspect sa biktima ang isang steel vault na naglalaman ng assorted jewelries na tina­tayang nagkakahalaga ng P500,000; Tatlong insurance policies; limang piraso ng credit cards; dalawang passbooks; at tatlong passport.

Sabi ni SPO2 Geminario, tulad ng modus operandi ng grupo, nagawa nilang matangay ang naturang items sa pamamagitan ng modus operandi, ang paggamit sa kasambahay ng biktima na si Bernadette Esteba-Domingo, 26, na kinausap nila sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono para impormahan itong kaugnay sa pekeng pagkakasangkot ng kanyang amo sa isang vehicular accident.

Dagdag ng imbestigador, dalawang babae na pawang mga nasa pagitan ng mga edad na 20-30 anyos ang nambiktima sa kasambahay at tumangay ng nasabing mga gamit.

Sa imbestigasyon, lumabas na nangyari ang insidente sa may bahay ng kanyang among si Rafael, ganap na alas-2 ng hapon. Sinasabing naiwang mag-isa sa bahay ng kanyang amo si Domingo nang makatanggap ito ng tawag mula sa telepono mula sa isang suspect na nagpapabatid sa kanya na ang kanyang amo ay nasangkot sa vehicular accident.

Sa nasabing pag-uusap ay nagawang makumbinsi ng suspect ang kasambahay na kunin ang steel vault at dalhin ito sa isang mall (SM) na nakalagay sa loob ng cabinet sa kuwarto ng kanyang amo.

Ginawa naman ng kasambahay ang utos ng caller at agad na dinala sa naturang lugar, ganap na alas-4 ng hapon, kung saan sinalubong siya ng isa pang suspect at ibinigay ang naturang vault dito saka mabilis na umalis patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Maya maya ay nagpasya na ang kasambahay na bumalik sa bahay ng amo kung saan nito nabatid na naloko lang pala siya ng mga suspect matapos makita ang amo.

vuukle comment

ACIRC

AMO

ANG

BERNADETTE ESTEBA-DOMINGO

DUGO DUGO

EAST FAIR

EDILBERTO GEMINARIO

MGA

PALMA ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RAYMAN RAFAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with