Parañaque tatawaging ‘The Bay City’
MANILA, Philippines – Tatawagin na bilang “Bay City” ang Parañaque na naglalarawan din sa lungsod na “where life never stops”.
Ito ang pinabatid ni Mayor Edwin Olivarez, makaraang ilang world class hotel resorts and leisure destinations ang itinayo sa entertainment city sa harap ng Manila Bay.
Sinabi ni Olivarez na ang bagong label na ito ay magta-transform sa Parañaque bilang isang sleek, sophisticated and tourist friendly city na kumpleto sa mga conveniences ng ultra- modern living.
“We are confident that our new nick name, the Bay City, will make Parañaque not only the country’s top tourist and entertainment destinations but also one of the best in the whole Asia-Pacific region as well,” wika ni Olivarez.
Ang biglang pagtaas ng ekonomiya ng Parañaque ay dahil sa malaking development sa Pagcor Entertainment City, isang mixed-use complex sa Manila Bay na may world-class casinos, hotels, shopping and leisure destinations, theaters and marinas.
Ang “Bay City”, ayon sa mayor ay mula sa kanilang kagustuhang makalikha ng isang pangalan “that will be uniquely ours while also retaining the color, character and true values of a true Parañaqueño”.
Sinabi pa ni Olivarez na ang bagong “trademark” ng lungsod ay naangkop dahil ito ay nasa pagitan ng majestic Manila Bay at ng impressive na Laguna de Bay.
- Latest