^

Metro

25 parak sa Maguindanao massacre, pinayagang makapagpiyansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City court ang 25 pang police officers na makapaglagak ng pi­yansa para pansamantalang ma­kalaya kaugnay ng kinasasangkutang Ma­guin­danao massacre case.

Sa apat na pahinang kautusan ni QC RTC Branch 221 Judge Jo­celyn Solis-Reyes, ang hakbang ay pinalabas ng korte matapos ma­bigo ang prosekusyon na makumbinsi ang korte na makakita ng sapat at matitibay na ebidensiya upang maidiin ang mga ito sa naturang kaso.

“Evidence extant on record will show that they were conducting checkpoint operations and were present near the scene of the crime.

Notably however, these were the only actions attributable to the identified accused members of the 1507th PMG,” nakasaad sa desisyon ni Judge Solis.

Ang 25 police officers ay ilan sa 197 suspects na nakasuhan ng murder kaugnay ng November 23, 2009  Maguindanao massacre.

vuukle comment

ACIRC

ANG

JUDGE

JUDGE JO

JUDGE SOLIS

KAUGNAY

MAGUINDANAO

PINAYAGAN

QUEZON CITY

SHY

SOLIS-REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with