Pagdilao bagong NCRPO chief
MANILA, Philippines – Pormal ng umupo kahapon bilang bagong director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si Chief Supt. Joel Pagdilao. Alas-3:00 kahapon ng hapon, isinagawa ang turn-over ceremony, sa NCRPO grandstand sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Isinalin ng nagretirong si Chief Supt. Carmelo Valmoria ang posisyon kay Pagdilao na dating hepe ng Quezon City Police District (QCPD) at kapatid ni Congressman Samuel Pagdilao, na dating pulis at director ng PNP, Criminal Investigation and Detective Group (CIDG). Sa pag-upo ni General Pagdilao, ipatutupad ang ilang pagbabago sa NCRPO at maglulunsad ng mga bagong programa para resolbahin ang krimen sa Kalakhang Maynila.
- Latest