^

Metro

Earthquake drill ngayong araw, kasado na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasado na ang lahat para sa gagawing simul­taneous earthquake drill sa buong Metro Manila ngayong araw.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, aabot sa anim na milyon ang inaasahang lalahok sa drill na magsisimula ng alas-10:30 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga.

Magsisimula ang drill sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga simbahan sa Metro Manila ng kanilang mga kampana habang ang mga truck ng bumbero ay patutunugin naman ang kanilang serena.

Bukod dito, patutunugin din ng iba’t-ibang gu­sali ang kanilang fire alarms at magkakaroon rin ng text blast ang National Telecommuncaiton Com­mission (NTC) para abisuhin ang publiko na magsisimula na earthquake drill.

Samantala, nasa isang milyon na ang bilang nang nagnanais na maging volunteer rescue workers­ ng MMDA upang umagapay sakaling tamaan ng malakas lindol ang Metro Manila.

Ayon pa kay Tolentino, hanggang kahapon ay umaabot na umano sa isang milyong indi­bidwal ang nagnanais na maging rescue volunteer na isang malinaw na senyales na namulat na umano ang publiko ukol sa kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad.

Mula aniya sa 8,000 ay tumaas na ito sa isang milyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KASADO

MAGSISIMULA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MULA

NATIONAL TELECOMMUNCAITON COM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with