^

Metro

P34-M smuggled na asukal, nasabat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 13,000 sako ng Thai sugar na nagkakahalaga ng P34 mil­yon ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container­ Port. 

Ang naturang smuggled na asukal ay nakalagay sa 24 na container vans. 

Inilagay sa alert status ang naturang kargamento makaraang mabatid na mas­yadong mabigat ang mga ito, gayong ang nakadeklarang laman ng container vans ay plastic na gamit sa kusina, laruan, damit at iba pa. 

Naka-consign sa Blue Chelsea ang 21 container vans ng asukal na galing China habang sa Real Top Enterprises naman ang tatlong container vans na mula naman sa Singapore. 

Ipinasilip sa media ni BOC Deputy Commissioner Jessie Dellosa ang ilan sa mga kontrabando at naging kapan­sin-pansing nakapa­ilalim ang saku-sakong asukal sa plasticware tulad ng baso at thermos. 

Magugunita ring minsan nang nahuli ng BoC ang Real Top Enterprises dahil din sa pagpupuslit ng asukal. 
Kakasuhan ng paglabag sa Tariff and Customs Code ang mga consignee.

ACIRC

ANG

BLUE CHELSEA

BUREAU OF CUSTOMS

DEPUTY COMMISSIONER JESSIE DELLOSA

INILAGAY

IPINASILIP

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER

NBSP

REAL TOP ENTERPRISES

TARIFF AND CUSTOMS CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with