^

Metro

350 mag-aaral sa QC, nabiyayaan ng summer job

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 350 mga mag-aaral na nabigyan ng trabaho ng Quezon City government ngayong summer vacation na maaaring makatulong sa kanila para panggastos sa susunod nilang pag-aaral.

Ang  proyektong ito na tinawag na “Hanapbuhay 2015,” ayon kay  QC Mayor  Herbert M. Bautista ay taunang gina­gawa para paglaanan ang  mga mahihirap pero de­serving na mag-aaral na kumita na bahagi ng pagpapasalamat sa kanila bilang kabalikat ng lokal  na pamahalaan sa pagpapaunlad ng lungsod.

Sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) o Summer Job Program 2015, ang mga student-trainees ay ilalagay sa iba’t ibang tanggapan sa QC hall at barangays para sa clerical, field, monitoring at survey work.

Ang isang student-trainee ay tatanggap ng P9,320 bilang sahod sa loob ng 20 araw base sa prevailing minimum wage na P466 kada araw.

Ang 60 percent o P5,592 ng sahod ng mga mag-aaral ay mula sa pondo ng QC government  habang ang 40 percent o P3,728 ay mula sa pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang SPES na nagsimula noong taong 1993 ay isa sa proyekto ng QC government para matiyak na magkakaroon ng magandang edukasyon ang mahihirap pero deserving students.

BAUTISTA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT OF STUDENTS

HANAPBUHAY

HERBERT M

QUEZON CITY

SPECIAL PROGRAM

SUMMER JOB PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with