^

Metro

Peña isinama sa command Conference ng Makati police

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon kahapon nakipagpulong ang pamunuan ng Makati City Police kay Makati City Vice Mayor Romulo “Kid” Peña sa gitna  ng patuloy na nagaganap na tensiyon sa naturang  lungsod dahil sa dalawang alkalde ang umaakto dito.

Nabatid na kapwa patuloy na nagmamatigas sina Peña at Makati City Mayor Junjun Binay na  sila ang alkalde ng na­turang  lungsod.

Ang naturang pulong o command conference ay  idinaos sa lumang city hall building at  pinangunahan ito  ni Senior  Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police at mga precinct commander.

Inilatag ni Barlam kay Peña ang mga programang pulisya  laban sa kriminalidad  at pagpapaigting ng peace and order sa lungsod.

Nilinaw naman ni Barlam na wala silang pinapanigan sa dalawang umaaktong alkalde ng lungsod at  ang  kanila aniyang  pangunahing layunin at responsibilidad  ay ang magampanan ang kanilang tungkuling mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.

Patuloy namang nagtitipon sa Makati City Hall Building 1 ang mga taga-suporta  ni Binay at tuloy naman ang normal na operasyon sa lungsod.

BARLAM

BINAY

ERNESTO BARLAM

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY VICE MAYOR ROMULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with