^

Metro

Recycle styro gagawing pangharang sa baha

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa halip na itapon at makadagdag sa tambak na basura ang mga used styro ay pinakokolekta ngayon ng pamahalaang lungsod ng Marikina upang gawin ‘paving blocks’ na pang­harang sa baha.

Sinabi ni Marikina City Mayor Del De Guzman, may malaking pakinabang ang mga gamit na styro lalo pa’t maraming barangay sa lungsod ang palagiang lumulubog sa baha.

Ayon sa Alkalde, maaari ring taniman ng iba’t ibang uri ng gulay ang mga used styro na pwedeng pakinabangan ng ka­nilang mga mamamayan.

Pinagmalaki pa ng Alkalde ang proyekto ng City Environmental Management Office (CEMO) na paggamit ng styropor bilang  recycle materials ay malaking tulong  upang makabawas sa araw-araw na kinukolektang basura, makakapigil pa sa baha at iba pang kapakinabangan.

Ang proyekto na tinaguriang “From Waste to Landscape” ay alinsunod sa Republic Act 9003 o ang  “Ecological Solid Waste Management Act of 2000” na naglalayong mabawasan ang basurang itinatapon sa sanitary landfill.

Regular na kinukolekta ng CEMO  ang mga basura gaya ng mga used styropor at mga gawa sa plastic tulad ng sando bags, at iba pa  sa pamamagitan ng Material Recovery Facility nito.

Kinukolekta rin nila ang mga used cooking oil  mula sa mga bahay, karinderya at mga fast food restaurants.

Ang mga nakolektang styropor at mga plastic ay gigilingin saka lulusawin gamit  ang mga nakulektang used oil sa Styro/Plastic Densifier machine.

Nabatid na ang 20 kilo ng used styropor at  10 kilos  ng used cooking oil ay makagagawa ng  21 paving blocks at  dalawang flower pots, ang ilan pang maaaring gawin mula sa nilusaw na mga plastic at styro ay table tops, school chair, bricks, boards, synthetic timber plank at maraming iba pa.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Mayor Del  ang mga residente sa Marikina na suportahan ang pagri-recycle  ng  styropor at iba pang materyal sa lungsod.

ALKALDE

CITY ENVIRONMENTAL MANAGEMENT OFFICE

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

FROM WASTE

MARIKINA CITY MAYOR DEL DE GUZMAN

MATERIAL RECOVERY FACILITY

MAYOR DEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with