^

Metro

Guro arestado sa pang-aabuso sa totoy

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaking guro sa ele­mentarya na umano’y nang-abuso sa 10-taong gulang na batang lalaki ang inaresto ng awtoridad sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 2, ang suspect ay nakilalang si Lester de Guzman, 30, English teacher at residente sa Road 3, Brgy. Project 6, sa lungsod.

Siya ay inaresto base sa reklamo ng nanay ng kanyang nabiktima na itinago sa pangalang Rolly, 10, out-of-school youth ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ruby Rose Yumul, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa bahay ng suspect noong March 22, 2014, ganap na alas-7 ng gabi.

Bago ito, sinasabing inimbita ng guro ang biktima sa kanyang bahay kung saan nito sinamantala ang kabataan ng huli.

Diumano, dito ay inutusan anya ng suspect  ang biktima na maghubad ng damit at pinaghahalikan ang biktima sa buong katawan hanggang sa isubo na nito ang ari ng  menor-de-edad.

Ang naturang pangyayari ay nasaksihan umano ng da­lawang estudyante ng suspect na itinago sa mga pangalang Marlon at Lorna.

Hanggang sa ipinagtapat ng biktima ang karanasan nito sa kanyang nanay sanhi para dumulog na sila sa himpilan ng barangay bago dinala ang reklamo sa himpilan ng pulisya.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang tropa ng Station Women’s Children and Protection Desk sa pa­ngunguna nina PO2 Randolf Olivar at PO2 Olinad Sugui ng PS2 at nagsagawa ng follow- up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspect.

Kasong rape in relation to Republic act 7610 o child abuse ang kinakaharap ngayon ng suspect.

BRGY

CHILDREN AND PROTECTION DESK

DIUMANO

GUZMAN

OLINAD SUGUI

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RANDOLF OLIVAR

RUBY ROSE YUMUL

STATION WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with