^

Metro

Tiyo dinedo ng pamangkin

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 39-anyos na binata nang barilin ito ng kanyang pamangkin matapos magtalo, kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Leo Berdida, pedicab driver, ng Barangay 1654, Zone 18 Malibay ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Jeffrey Hersalina, 21, nakatira rin sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon nina SPO2 Genomar Geraldino at PO3 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insi­dente alas-2:00 ng madaling- araw sa bahay ng magtiyuhin sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente ay nag-inuman muna ang mga ito at kasama ang ilang ka­ibigan nila, nakailang tagay lang ang biktima at nagpa­alam ito sa kanyang mga kainuman na uuwi na.

Sumunod na ring umuwi ang suspek at makalipas ang ilang minuto, narinig na lamang ni Jonel, nakakatandang kapatid ng suspek, na nagtatalo na ang magtyuhin.

Sa kainitan ng pagtatalo ay kumuha ang suspek ng baril at pinutukan nito ang tiyuhing si Berdida at mabilis na tumakas.

vuukle comment

BERDIDA

GENOMAR GERALDINO

GIOVANNI ARCINUE

JEFFREY HERSALINA

LEO BERDIDA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

STATION INVESTIGATION DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with