^

Metro

Drug free QC, isusulong ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte bilang chairman ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) ang pagpapa­tupad sa isang drug-free workplace sa lahat ng city government offices at barangay bilang  bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan kontra sa ilegal na droga.

Upang matiyak ang im­ple­mentasyon ng programa, ipi­na­nukala ni Belmonte ang pag­sasagawa ng isang autho­rized drug testing para sa mga empleyado sa QC hall at sa 142 barangay sa lungsod.

Anya, ang drug workplace program ay ipatutupad alinsunod sa probisyon at mga re­­gulasyon hinggil dito ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Bukod sa drug-free work­­place program, ang QCADAAC sa ginawang council meeting­ ay nagpasa ng dalawang resolusyon na higit na mag­pa­patindi sa kampanya kontra bawal na gamot.

Ang dalawang resolusyong ito na inaprubahan na  ni QC Mayor Herbert Bau­tista ay nag­papahintulot kay Belmonte bilang QCADAAC chair na ma­­­­ki­kipagkasundo sa mga colleges at univer­sities sa lung­sod na magsagawa ng preventive education seminars para sa mga mag-aaral na kumukuha ng National Service Training­ Program (NSTP) at ang panga­lawa ay ang pagpa­pahintulot kay Belmonte na makipagkasundo sa National Reference Laboratory for Environmental and Occupational Health, Toxi­cology at Micro-Nutrient Assay ng East Avenue Medical Center para sa drug testing services sa mga opisyal at emple­yado ng QC hall at ba­rangays.

BELMONTE

DRUG ABUSE ADVISORY COUNCIL

DRUGS BOARD

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ENVIRONMENTAL AND OCCUPATIONAL HEALTH

MAYOR HERBERT BAU

MICRO-NUTRIENT ASSAY

NATIONAL REFERENCE LABORATORY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with