8 Little City Halls sa Valenzuela, itinayo
MANILA, Philippines – May kabuuan nang walong “little city halls” ang naitayo sa mga matataong lugar sa Valenzuela City makaraang dalawang pang 3S Centers ang maitatag sa Brgys. Karuhatan at Malanday kamakailan.
Pinangunahan ni Mayor Rex Gatchalian ang pagpapasinaya sa dalawang 3S Centers (Sentro ng Sama-Samang Serbisyo) nitong Pebrero 14 bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 17th Charter Day.
Layon umano ng mga little city halls na ilapit sa mga residente ang kanilang serbisyo kahit hindi na magtungo sa main city hall.
Nakalaman sa mga little city hall ang isang “rescue satellite station”, fire sub-station, police community precinct, social welfare and development office, health station, day care center, multi-purpose hall, at bagong barangay hall.
Unang nagtayo ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng mga little city halls sa Brgys. Polo, Bagbaguin, Dalandanan, Lawang Bato, Parada, at Punturin.
Sinabi ni Gatchalian na bahagi ng programa nilang desentralisasyon ng mga serbisyo ang pagtatayo ng mga 3S Centers at upang mabilis na makaresponde ang pamahalaang lokal sa pagtama ng mga kalamidad.
- Latest