^

Metro

2 kelot tinodas sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa magkahiwalay na insidente sa lungsod ng  Quezon.

Butas ang ulo at braso ng  biktimang inilarawan lamang na nasa pagitan ng  25-30 anyos, may taas na 5’0, moreno, nakasuot ng puting t-shirt, at maong na pantalon na natagpuan sa isang eskenita dakong alas 2 kahapon ng madaling-araw sa Bataan St., Brgy. Holy Spirit, Q.C.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Cornejo, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, walang nakakita sa pangyayari kaya’t blangko sila sa pagkakakilanlan ng salarin.

Sabi ni Brgy. Ex-O Benjamin, nagpapatrulya sila ng kanyang tropa nang makita ang bangkay ng biktima.

Samantala, pinasok naman sa kanyang bahay ng mga suspek si Narcisus Romero, 53, ng Iriga St., La Loma, Bgy. San Isidro Labrador.

Ayon kay PO2 George Ca­culba, may-hawak ng kaso, dalawang lalaki ang sina­sabing namaril sa biktima dakong 1:40 ng hapon na mabilis ding tumakas makaraang isagawa ang krimen.

Isang saksi ang nagsa­bing nasa ikalawang palapag siya ng kanilang bahay nang marinig niya ang isang malakas na putok ng baril na nagmumula sa unang palapag nito.

Dahil dito, nagpasya ang testigong tingnan ang pinagmulan ng putok, hanggang sa madiskubre niya ang duguang biktima na nakahiga sa may mahabang upuang kahoy.

Agad na humingi ng tulong ang testigo sa isang Alberto del Rosario na siyang nagsu­god sa biktima sa Phil. Orthopedic Center, pero idineklara din itong dead-on- arrival.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

vuukle comment

AYON

BATAAN ST.

BRGY

EX-O BENJAMIN

GEORGE CA

HOLY SPIRIT

IRIGA ST.

LA LOMA

NARCISUS ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with