BFP, nagbabahay-bahay sa kampanya kontra sunog
MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection na magbahay-bahay para payuhan ang publiko hinggil sa kampanya na maiwasan ang sunog sa kanilang lugar.
Ayon kay Senior Fire Officer Roel Difuntorum, chief ng Fire Safety Enforcement section ng BFP, unang inilunsad ang kampanyang door-to-door sa Region 1 at sa iba pang mga rehiyon sa bansa para bigyang paliwanag ang mga ito hinggil sa kung paano at ano ang mga dapat gagawin para maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.
Anya, namahagi rin sila ng mga leaflets sa mga komunidad at nagsagawa din ng competitions at fun run bilang bahagi ng programa ng ahensiya ngayong Fire Prevention month at upang maging fire-free at fire safe ang bansa ngayong Marso .
Muli ring pinaalalahanan ng BFP ang publiko na e-unplugged ang kanilang electrical appliances kung di ginagamit, itago sa mga bata ang mga bagay na lumilikha ng apoy tulad ng posporo at huwag kalimutan ang kandilang sinindihan sa oras ng brownouts.
- Latest