^

Metro

3K na preso sa NBP, grumadweyt

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong libong preso sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang grumadweyt kahapon sa ilalim ng programang Alter­native Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd).

Dinaluhan mismo ni Education Sec. Armin Luistro ang naturang graduation rites sa NBP na isa aniya sa mga pinakamagandang graduation para sa kanya.

Ang mga nagsipagtapos ay kumuha ng ALS Accre­ditation and Equivalency (A&E) test, basic literacy sa elementarya at mga nag­tapos sa vocational courses sa ilalim ng TESDA.

Ikinatuwa ni Luistro na maraming preso ang naki­isa sa programa at tiniyak na patuloy na isusulong ng DepEd­ ang ALS.

Aniya, sa pamamagitan nito ay naipakita nilang kahit nasa maximum security ang isang tao ay maaari pa ring isabuhay ang kalayaan sa pamamagitan ng pag-aaral.

Humingi rin ng paumanhin si Luistro sa mga bilanggo dahil sa naging pagkukulang ng lipunan sa kanila noong sila’y nasa labas pa ng piitan.

Nabatid na sa ilalim ng ALS program sa NBP, ang mga nagtuturo sa mga bilanggo ay kapwa rin nila bilanggo, na sertipikado at beteranong guro.

ACCRE

ANIYA

ARMIN LUISTRO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPD

EDUCATION SEC

LEARNING SYSTEM

LUISTRO

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with