^

Metro

Ex-Army timbog sa pagbebenta ng baril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang da­ting Army matapos na mahulihan ng mataas na kalibre­ ng armas na kanyang ibine­benta sa isinagawang entrapment operation sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District Director Police Chief Supt. Joel Pagdilao ang suspect na si Gerald Stephen Soriano, 46, ng Payatas A sa lungsod.

Sa ulat ng District Special Operation Unit, si Soriano ay dating Army na natanggal dahil sa kasong absent without leave o AWOL.

Ayon kay Pagdilao, nakumpiska sa suspect ang isang carbine M2 rifle na walang serial number, dalawang magazine ng  M2 rifle na may 30 pirasong bala ng caliber 30 carbine cartridge.

Sa ulat ni PO1 Mark Benson Suralvo, imbestigador sa kaso, naganap ang pagdakip sa loob ng bahay  ni Soriano ganap na alas-9:25 ng gabi.

Bago ito, nakipag-tran­saksyon ang mga operatiba ng DSOU sa suspect ma­tapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad nito.

Sinasabing isang pulis ang nagpanggap na buyer ng baril na nagkakahalaga ng P20,000 kung saan nagka­sundo na magpalitan ng items sa nasabing bahay.

Nang i-abot ng suspect ang carbine M2 rifle sa poseur-buyer ng DSOU ay agad itong inaresto at dinala sa nasabing himpilan.

ARESTADO

AYON

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

GERALD STEPHEN SORIANO

JOEL PAGDILAO

MARK BENSON SURALVO

PAYATAS A

QUEZON CITY POLICE DISTRICT DIRECTOR POLICE CHIEF SUPT

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with