^

Metro

Paslit, patay sa jeep

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 6-anyos na batang babae makaraang mabundol at masagasaan ng isang pampasaherong jeep habang ang biktima ay naglalaro sa harap ng kanilang bahay sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Reese Isabel Fuentes Abonita, residente ng J.P. Rizal Interior, Brgy. Malanday, Marikina City.

Si Abonita ay hindi na uma­bot nang buhay sa Amang Rodriguez Memorial Hospital bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo.

Nahaharap na sa kasong reckless imprudence re­sulting to homicide ang driver na si Alfredo Custodio, 19, ng JP Rizal, Brgy. Malanday, Marikina City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aniano Aguado ng Marikina Traffic Police, nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi habang naglalaro ang paslit nang  mabundol at masagasaan  ng jeepney na (DJW-483) na minamaneho ni Custodi­o.

Nagulat na lang si Custodio nang marinig na tila may tinamaan ang gulong ng kanyang sasakyan at nang kanyang tingnan ay nakita ang biktima na nakabulagta sa kalsada. (Mer Layson)

 

vuukle comment

ALFREDO CUSTODIO

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

ANIANO AGUADO

BRGY

MALANDAY

MARIKINA CITY

MARIKINA TRAFFIC POLICE

MER LAYSON

REESE ISABEL FUENTES ABONITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with