^

Metro

Libreng Korean language sa mga ina ng Korean-Pinoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaari nang matupad ang pangarap ng mga ina ng Korean Pinoy na makapag-aral ng libre ng Korean language .

Ito naman ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng pagpapasinaya ng dalawang  classroom para sa mga  ina  ng Korean-Pinoy na iniwan ng kanilang mga  asawa.

Ayon kay Estrada, malaking oportunidad at tulong sa mga kababaihan ang pagbubukas ng six-month night classes sa Unibersidad de Manila ng GKL Foundation at  Help Kopino Care Philippines Inc. (HKCPI).

Sinabi naman ni  UDM President Dr.  Benjamin Tayabas, ang dalawang classroom ay may tig -32 laptop na magagamit ng mga ina  bukod pa sa mga modules para sa tour guide sessions na makatulong sa kanila upang makakuha ng magandang trabaho.

Malaki ang pasasalamat ni Tayabas sa mga oportunidad na tulad nito dahil mas pinalalakas nito ang loob at pagkatao ng mga babaeng iniwan ng kanilang Koreanong asawa.

Paliwanag naman ni Dr. Primitivo Chua, miyembro ng UDM Board of Regents at HKCPI President, naniniwala siyang ito na ang  panahon upang  maipakita sa kanilang mga asawang Koreano na maitataguyod nila ang kanilang mga anak sa kabila ng kabiguan ng mga ito na suportahan ang kanilang mga  anak.

“This school is for free…Our donors are Koreans. Those who committed the mistakes are also Koreans so they (donors) are trying to help,” ani Chua.

AYON

BENJAMIN TAYABAS

BOARD OF REGENTS

CHUA

DR. PRIMITIVO CHUA

HELP KOPINO CARE PHILIPPINES INC

KOREAN PINOY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with