^

Metro

Natusta sa sunog sa Makati, kilala na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakilala na ang tatlong babae na natusta matapos ma­sunog ang tinutuluyan nilang transient house sa Makati City noong Biyernes ng madaling-araw.

Hanggang sa ngayon ay nakalagak pa sa Veronica Funeral Parlor ang mga magkakamag-anak na biktimang sina Elvie Yakyakin, 48; kapa­tid nitong si Adrian Lungab, 36; at pamangkin nilang dalagang si Helzen Yakyakin, 20, pawang mga taga Balagbag, Baguio City.

Kinilala ang mga biktima ni Bartolome Lungab, kapatid  nina Elvie at Adrian.

Nabatid, na noong Biyer­nes, alas-2:17 ng madaling araw, tinupok ng malakas na apoy ang tinutuluyang lumang transient house ng mga biktima, na matatagpuan sa panulukan ng Santillan at Dela Rosa Sts., Brgy. Pio Del Pilar ng na­­turang lungsod, na pag-aari ni Isabelita Tiangco.

Sinasabing lumuwas lamang sa Maynila ang mga biktima dahil sa nakatakdang kidney operation ng isa sa mga ito, habang ang isa naman ay kidney donor.

Nag-overheat na electric fan ang hinihinalang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

ADRIAN LUNGAB

BAGUIO CITY

BARTOLOME LUNGAB

DELA ROSA STS

ELVIE YAKYAKIN

HELZEN YAKYAKIN

ISABELITA TIANGCO

MAKATI CITY

PIO DEL PILAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with