Trucks bawal na uli sa Roxas Boulevard
MANILA, Philippines - Hindi na pwedeng dumaan ang mga trak sa kahabaan ng Roxas Blvd. matapos na hindi na magbigay ng extension ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dito.
Nabatid na tuluyan nang nagtapos kamakalawa (Pebrero 15) ang dalawang linggong ibinigay na pahintulot ng MMDA sa mga trucks para dumaan sa naturang lugar na nagsimula noong Pebrero 2.
Alinsunod na rin ito sa kahilingan ni Secretary Rene Almendras, head ng Cabinet Cluster on Port Congestion bilang bahagi pa rin sa pagtugon sa problema ng port congestion.
Paliwanag ni Tolentino, hindi na maaring palawigin pa ang ibinigay nilang permiso sa mga truck dahil bukod sa maraming events na gaganapin dito ay nagsisimula na ang DPWH na ayusin ito bilang paghahanda sa gaganaping APEC summit sa darating na buwan na Nobyembre.
Matatandaan, simula noong Pebrero 2 hanggang Pebrero 15, pansamantalang pinayagan ng MMDA ang mga truck na makadaan sa Roxas Blvd. mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.
- Latest