^

Metro

2 kelot nakaposas na pinagbabaril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na kapwa naka-posas ang mga kamay at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang ka­tawan ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Antipolo City, kahapon ng madaling-araw.

Ang mga biktima ay nakita dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa gilid ng kalsada ng Brgy. Sta. Lucia, Sumulong Hi-way sa lungsod.

Ang unang biktima ay tinatayang nasa edad na 27-30, may taas na 5’5’’-5’-6’’, naka­suot ng puting t-shirt at blue na short pants. Habang ang ikalawang biktima ay natagpuan  may 100 metro ang layo mula sa kinatagpuan ng unang biktima sa nabanggit ding lugar ay tina­tayang nasa edad 32-34, may taas na 5’7’’, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na shorts.

Kapwa nagtamo ng tig-tatlong tama ng bala sa katawan ang dalawang biktima at naka-posas na patalikod ang mga kamay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinasabing nakarinig ang ilang residente sa lugar ng pagmamakaawa ng mga biktima bago sila pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Narekober ng pulisya ang tig-tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril malapit sa bangkay ng dalawang biktima.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng ma­susing imbestigasyon ang mga awtoridad para mabatid ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima at matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen. 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BIKTIMA

BRGY

DALAWANG

HABANG

KAPWA

NAREKOBER

SUMULONG HI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with