^

Metro

Ret. police arestado sa pagwawala, pagpapaputok ng baril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 53-anyos na retiradong pulis bunga ng walang habas na pagpapaputok ng baril, pagwawala at pangwawasak ng ilang gamit sa kanilang lugar, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ipinagharap na rin ng mga kasong illegal discharge of firearms, maliscious mischief, grave threat at paglabag sa Revised Ordinance No. 7940 (drunkard unbe­coming conduct) sa Manila City Prosecutor si Magno Punzalan, residente ng #271 Makisig St., Bacood, Sta. Mesa, Manila.

Sa ulat ni SPO1 Jo­nathan Bacolod, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi, malapit lamang sa bahay ng suspek.

Umuwi umanong la­sing ang suspek sakay ng kanyang kotse at nagwala sa kanilang lugar. Nang pumalag ang mga tao at kukuyugin umano ito ay naglabas ng baril at ilang beses na nagpaputok bago umalis muli.

Nalaman umano ng mga residente na nagreklamo pala ito sa pulisya dahil may kasamang mobile nang siya ay mag­balik sa kanilang lugar.

Subalit sa halip na mag­hanap ng aarestuhin ang mga pulis, siya mismo ang binitbit dahil ang narekober na slug ay nag-match sa bitbit nitong baril at siya ring itinurong responsable sa pagwawala at pagpapaputok  ng kanyang mga kapitbahay.

BACOLOD

BACOOD

IPINAGHARAP

KALABOSO

MAGNO PUNZALAN

MAKISIG ST.

MANILA CITY PROSECUTOR

MAYNILA

REVISED ORDINANCE NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with