^

Metro

Pagkamatay ng 5-miyembro ng pamilya, walang ‘foul play’ – PNP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang ‘foul play’ na nakita ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng limang miyembro ng isang pamilya sa San Juan City kamakalawa ng umaga.

Ayon kay San Juan City Police Chief Sr. Supt. Ariel Arcinas, walang nakitang forcible entry at wala ring nawawalang gamit  sa bahay ng mga biktima sa Bgy. Greenhills, San Juan City.

Sinabi ni Arcinas na hinihintay na lamang nila ngayon ang resulta ng autopsy sa bangkay ng mga biktimang  sina Luis Hsieh, 50, Taiwa­nese national; asawang si Roxanne, 53; at kanilang mga anak na sina Amanda, 19; Jeffrey, 14; at John, 12, pawang residente ng 13 GV 2 Midland Park Manor Condo, Ortigas Avenue, corner Ma­dison St., sa Brgy. Greenhills, San Juan City.

Anang opisyal, sa awtopsiya nila matu­tukoy kung sino sa mga biktima ang huling binawian ng buhay dahil ito anila ang posibleng naglagay ng tape sa mukha at nagbalot ng plastic sa ulo ng mga biktima na sinasabing dahilan ng kanilang pagkamatay.

Lumitaw din sa imbestigasyon na pinakain muna ng pampatulog ang mga biktima bago binalutan ng plastic sa ulo para hindi maka­hinga hanggang tuluyang mamatay.

Sinasabing planado ng mag-asawa ang pagpapakamatay at pagdamay sa mga anak dahil sa problema ng pamilya sa kanilang negosyong furniture.

Nabatid din na si Luis ang naglagay ng plastic sa ulo ng kanyang asawa at mga anak habang si Ro­x­an­ne­ naman ang nag­luto ng pagkain na may
pampatulog o lason na siyang ipinakain sa kanilang mga anak.

Sa unang ‘suicide note’ ay ibinilin pa ni Roxanne sa mga ka­tulong na huwag kaka­inin ang pagkain sa mesa dahil para iyon sa ka­nilang mga anak.

Habang sa ikalawang ‘suicide note’ ay ibinilin ni Roxanne na agad ipa-cremate ang kanilang mga bangkay.

ARIEL ARCINAS

GREENHILLS

LUIS HSIEH

MIDLAND PARK MANOR CONDO

ORTIGAS AVENUE

ROXANNE

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with