^

Metro

Stalker ng ginang, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 40-anyos na lalaking stalker umano ng isang ginang matapos tangkain nitong pasukin ang huli sa loob ng bahay sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang mga tanod ng nakakasakop na Brgy. 580 Zone 56 ang bumitbit sa suspect na nakilalang si Joelito Carpio papunta sa Manila Police District-Women and Children’s­ Protection Unit matapos ireklamo ng biktimang si Maribel Buensuseco, 29, ng Sta. Mesa, Manila.

Base sa reklamo ng ginang, nasa anim na taon na umanong nanggagambala sa kanya ang suspek na pakiramdam niya ay pinagpapantasyahan siya.

Sinabi ng biktima na dalawa ang kanyang anak habang ang mister ay nasa Saudi Arabia.

Posibleng ang pagiging malayo umano ng mister ang sinasamantala ng suspek sa matinding pagkakagusto sa biktima dahil may mga pagkakataon na sinusulatan niya ito at kadalasan ay sinusundan siya kung saan siya pupunta. Hindi umano matanggap ng biktima nang ipagkalat pa ng suspek na syota na siya nito at lalo na nang magtangka pang pasukin siya sa kanyang bahay.

May dala umanong isang paper bag ang suspek nang magtungo sa bahay ng biktima, na ayon sa suspek ay ibibigay lamang niya ang dalawang maliit na water jug sa biktima.

Kinumpirma naman ni Brgy. Kagawad Orias BInoza na wala namang masamang rekord sa kanilang barangay ang suspek bukod sa reklamo ng biktima noong nakalipas na taon kaugnay sa pagsunud-sunod sa kanya.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

JOELITO CARPIO

KAGAWAD ORIAS

KALABOSO

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN

MARIBEL BUENSUSECO

PROTECTION UNIT

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with