^

Metro

4 holdaper, drug suspect tiklo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na kalalakihang sangkot sa robbery-holdup, at isang tulak ng iligal na droga ang nalambat ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na anti-criminality operations sa lungsod, iniulat kahapon.

 Kinilala ni QCPD Director Sr. Supt. Joel Pagdilao, ang mga suspect na sina Jonathan dela Cruz, 35; Rodney Gelera, 26; Lester Vic Samortin, 32; Rolando Pastorito, 33; at Melencio Picio, 50.

 Ayon kay Pagdilao, sina Dela Cruz at Gelera ay nada­kip ng mga tropa ng Anonas Police Station matapos na holdapin ng mga ito ang isang pampasaherong jeepney malapit sa Philippine School of Business Administration sa kahabaan ng Aurora Blvd., Loyola Heights, ganap na alas-8:30 ng umaga.

Naging biktima ng dala­wa ang isang Shane Marie Chantel Vispo ng Marikina City na sakay ng jeepney at tina­ngayan nila ng isang cellphone saka tumakas. Pero nagsisigaw ng tulong ang biktima sanhi para rumes­ponde ang tropa ng PS9 at maaresto ang dalawang suspect.

 Samantala, nadakip naman sina Samortin at Pastorito ng mga operatiba ng anti-carnapping (ANCAR) section ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa may Payatas, alas 5:30 ng hapon.

 Nagpapatrulya ang tropa sa lugar nang maispatan nila ang mga suspect habang sakay ng isang Rusi motorcycle (7121-UZ). Pinara ng mga operatiba sina Samor­tin at Pastorito para sa beripikasyon bunga ng hindi sila nakasuot ng helmet, pero sa halip na huminto, humarurot patakas ang mga ito sanhi upang magkaroon ng maikling habulan at sila ay  madakip.

 Narekober sa kanila ang isang kalibre .45 pistola at isang kalibre .38 rebolber na may tatlong bala. Wala ring maipakitang official receipt at certificate of registration para sa kanilang motorsiklo ang dalawa kung kaya tuluyan na silang inaresto.

 Habang si Picio na nasa ikapito sa drug priority target ng Galas Police Station ay naaresto naman ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG), ganap na alas-11:30 ng gabi sa may kahabaan ng Ramirez St., Brgy. Don Manuel.

 Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba laban sa suspect kung saan nakuha mula sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu.

 Kasong paglabag sa Republic act 9165 o ang dangerous drugs act of 2002 ang kinakaharap ngayon ni Picio.

 

ANONAS POLICE STATION

AURORA BLVD

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DELA CRUZ

DIRECTOR SR. SUPT

DON MANUEL

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with