Killer ng brgy. chairman, arestado
MANILA, Philippines - Natimbog kamakalawa ng pulisya ang isang wanted sa batas na sangkot sa pagpatay sa isang barangay chairman sa Pasay City.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang akusadong si Fernando Bermas Jr. , alias Buboy Aso, 35, ng Sampaguita St., Maricaban ng naturang lungsod.
Sa report na natanggap ni Senior Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC) ng Pasay City Police, si Bermas ay nadakip alas-7:30 ng gabi sa Higging St., ng naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rowena Nieves A. Tan, Acting Presiding Judge ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 118.
Ang naturang akusado ay nahaharap sa kasong murder kaugnay sa pagpaslang kay Chairman Ronnie Laylo, ng Barangay 153, Zone 16.
- Latest