Pulis, Swedish lover hindi nagbayad sa hotel, inireklamo
MANILA, Philippines – Makaraang mabigong magbayad sa hotel, isang pulis-Maynila at umano’y lover nito ang inireklamo, kamakalawa ng gabi sa MPD-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS).
Kinilala ni MPD-GAIS chief, Chief Insp. Arsenio Riparip ang mga inireklamo na sina PO3 Giles Macoy Imperial, 44, nakatalaga sa MPD-Explosive Ordnance Division (EOD) at ang lover nitong Swedish na si Theresa Watchanee De Jager, 44. Nagpakilala din umano si Jager na isang diplomat.
Lumilitaw na nag-check-in ang dalawa noong Enero 21 na tumagal hanggang Enero 26 sa isang malaking hotel sa Maynila na ang bill ay umabot sa halagang P99,342.60. Nagkaroon umano nang pakikipagtalo ang pulis at staff.
Makalipas ang ilang oras at sa pagtantiya na walang ibabayad ang dalawa ay napilitan ang mga opisyal sa hotel na ireklamo ang mga ito.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawa at sinampahan ng kasong estafa.
- Latest