^

Metro

May saklob sa mukha, nakagapos ang kamay at paa naaagnas na bangkay ng retiradong guro, natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang naaagnas na bangkay ng isang retiradong guro na nasasakluban ang ulo at pawang nakagapos ang mga kamay at mga paa ang na­tagpuan sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima ay nakilalang si Teodoro Ganapin, 79, na nadiskubre lamang dahil sa masangsang na amoy na nalanghap ng kanyang kapitbahay na si Marilyn Saclasa.

Nadiskubre ni Saclasa ang bangkay ng biktima alas-9 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng huli na matatagpuan sa Binondo Lane, Brgy. Talipapa.

Diumano, dahil sa mabahong amoy sa loob ng bahay sumilip siya sa bintana hanggang sa makita nito ang nakahandusay na katawan ng biktima habang nagkalat naman ang gamit sa kuwarto nito.

Agad na ipinagbigay alam ni Saclasa ang insidente sa barangay na mabilis namang rumesponde at nang buksan ang pintuan ng bahay ay saka nakita ang kalunus-kunos na bangkay ng biktima.

Hinala ng awtoridad na pagnanakaw ang ugat ng insidente dahil sa nagkalat na gamit sa loob ng bahay.

Gayunman, sabi ni Peralta hindi pa madetermina ng imbestigador kung anong sugat ang tinamo ng biktima dahil sa nasa state of decom­position na ang katawan nito.

Patuloy naman ang isinasagawang  pagsisiyasat  sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BINONDO LANE

BRGY

DIUMANO

MARILYN SACLASA

PERALTA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SACLASA

TEODORO GANAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with