^

Metro

Balik-dalaw sa Bilibid, iginiit

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng protesta ang mga misis at kaanak ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para igiit na maibalik na ang dalaw sa naturang piitan, kahapon ng umaga.

Ayon kay Senior  Supt. Allan  Nobleza, hepe ng Muntinlupa  City Police, alas-10:00 umaga nagsimulang  magsagawa ng protesta ang mga asawa ng mga preso ng NBP na nasa mahigit 30 ang bilang sa Alabang Viaduct, Brgy.  Alabang ng naturang lungsod at natapos ito hanggang ala-1:00 ng hapon.

Bitbit ang mga placard, nanawagan  kay Department of Justice (DOJ)  Secretary Leila de Lima na ibalik na ang karapatan nilang madalaw ang mga nakakulong  na asawa para maibigay ang pangangailangan ng mga ito.

Nabatid sa mga  misis ng mga inmate, gutom anila ang inaabot ng kanilang mga mister habang ang iba dito  may sakit at hindi na nabibigyan ng gamot.??

Bukod kay De Lima, nanawagan din ang mga misis ng mga preso kay Senator  Grace Poe para panghimasukan ang usapin  lalo’t labag anila ito sa karapatang pantao.??

Nabatid, na ipinagbawal ni De Lima ang dalaw sa mga preso sa NBP matapos maganap ang pagsabog noong Enero 8 na ikinasawi ng isang preso at ikinasugat ng 19.

vuukle comment

ALABANG VIADUCT

CITY POLICE

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE POE

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with