^

Metro

Taas-pasahe sa LRT at MRT, muling iprinotesta

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagprotesta ang grupong Riles Network laban sa ipinatupad na taas-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ang protesta ay isinagawa kasabay ng pagbabalik-trabaho­ ng mga manggagawa kahapon matapos ang limang araw na holiday dahil sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Hinamon ni Riles Network Spokesperson Sammy Malunes ang pamahalaan na ipakitang may natutunan ang administrasyon sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa sa pamamagitan ng pagbasura sa mataas na pasahe sa MRT at LRT.

Iginiit ni Malunes na ‘anti-poor scheme’ ang taas-pasahe at taliwas sa mensahe ng Santo Papa na mercy and compassion o awa at malasakit sa kapwa, lalo na ang pagkalinga sa mga mahihirap.

Nangangamba rin ang Riles Network na magamit lang ang kikitain ng pamahalaan sa taas-pasahe sa mga kandidato ni Pangulong Aquino sa halalan sa taong 2016.

Namahagi ang grupo ng mga babasahin sa mga mana­nakay para hikayatin ang mga ito na makiisa sa kanilang protesta.

Matatandaan na nagpa­tupad ang pamahalaan ng taas ng pasahe sa MRT at LRT noong Enero 4.

vuukle comment

ENERO

HINAMON

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

PANGULONG AQUINO

POPE FRANCIS

RILES NETWORK

RILES NETWORK SPOKESPERSON SAMMY MALUNES

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with