^

Metro

Technician sinita sa helmet, timbog sa baril

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa walang suot na helmet, kalaboso ang isang 18-anyos na  technician matapos mahulihan ng baril ng mga pulis habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City Police Senior Supt. Bartolome Bustamante ang suspek na si Laurence Nabong, residente ng   Milagrosa Extension, Brgy. 154 Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Base sa report ng pulisya, kasalukuyang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1 sa pamumuno ni Chief Inspector  Alfredo Dulay,  alas-11:45 ng gabi sa panulukan ng Tirad Pass at Don Vicente Ang Sts., Brgy.140, Bagong Barrio ng nasabing lungsod nang mamataan ang suspek na walang suot na helmet habang sakay ng motorsiklo.

Pinara ang suspek bago hinanapan ng lisensya ng mga pulis subalit, nang buksan ni Nabong ang dalang body bag ay napansin sa loob ang isang baril na naging dahilan upang arestuhin ito.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 10591 (Illegal Possession of Firearm) at R.A 10054 (Motorcycle Helmet Act).

ALFREDO DULAY

BAGONG BARRIO

BARTOLOME BUSTAMANTE

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE SENIOR SUPT

CHIEF INSPECTOR

DON VICENTE ANG STS

OPLAN SITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with